Pinamunuan natin ngayong araw ang 14th Regular Session kasama ang ating mga konsehal. Kabilang sa mga natalakay at inaprubahan ay ang:
- Resolutions sa Accreditation ng ilang Non-Government Organizations sa lungsod
- Draft Ordinance establishing the Mandaluyong City Health Department Warehouse
PUBLIC HEARING - DRAFT ORDINANCE NO. 1399 / INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS PROTECTION
Atin pong pinangunahan ang isang pampublikong pagdinig para matalakay ang Draft Ordinance No. 1399, na may layuning maisulong ang Intellectual Property Rights Protection sa ating lungsod.
Maraming salamat sa ating nakasama sa bulwagan na sina Konsehal Leslie Cruz, Kon. Mariz Manalo, Kon. Regie Antiojo, at iba nating butihing resource persons na malaki ang nai-ambag sa nasabing ordinansa
Tayo po ay lumahok sa Regular Session ngayong Martes na ginanap kaninang IKA-10:00 NG UMAGA Oktubre 4, 2022, pinamunuan ng ating Vice Mayor Menchie Abalos, kasama ang ating mga konsehal.
Salamat po Sec. Tere at sa lahat ng Sangguniang Panlungsod staff.