Nagdaos ng Pagpupulong ng Komite ngayong ika-02 ng Abril, 2024, sa Bulwagan ng Kapulungan (Session Hall), na pinangunahan ng Kagalang-galang na Tagapangulo ng Komite ng Batas, Kon. Danilo De Guzman. Ang nasabing pagdinig ay hinggil sa
"LIHAM NG MANDALUYONG OFW FAMILY CIRLCE, INC. PATUNGKOL SA PANUKALANG PAGSUSUSOG SA ORDINANSA BLG. 733, S-2019, NA MAS KILALA SA MANDALUYONG CITY OFW HELP DESK"
Nagdaos ng Pampublikong Pagdinig ngayong ika-06 ng Marso, 2024, sa Bulwagan ng Kapulungan (Session Hall), na pinangunahan ng Kagalang-galang na Tagapangulo ng Komite ng Batas, Konsehal Danilo "Danny" De Guzman. at ang Kagalang-galang na Tagapangulo ng Komite ng Paggawa at Empleyo, Konsehal Elton Yap. Bilang kaanib na Komite. Ang nasabing pagdinig ay hinggil sa "LIHAM NG MANDALUYONG OFW FAMILY CIRCLE, INC. PATUNGKOL SA PANUKALANG PAGSUSUSOG SA ORDINANSA BLG. 733, S-2019, NA MAS NAKILALA BILANG MANDALUYONG CITY OFW HELP DESK"
Tayo’y nagkaroon ng ika-68 regular na sesyon ng Sanggunian ukol sa RESOLUTION NO. 3779 “A RESOLUTION GRANTING FINANCIAL ASSISTANCE TO SEVENTEEN (17) STRUCTURE OWNERS AFFECTED BY INFRASTRACTURE ROAD WIDENING PROJECTS OF THE CITY GOVERNMENT AT BLOCKS 32 AND 39, BARANGAY ADDITION HILLS, CITY OF MANDALUYONG” at ito’y kalaunay inaprubahan ng konseho.
Kasunod nito, bilang komite ng Ugnayang Pambarangay atin ding pinagusapan ang Kautusang Pambarangay Blg. 01, S-2024 na may pamagat na “AN ORDINANCE ESTABLISHING THE BARANGAY NAMAYAN OMNIBUS TRAFFIC AND PARKING MANAGEMENT CODE” ay ikinararangal na inulat ang nasabing Kautusan ay hindi sumasalungat sa ating Kautusan Blg. 743, S-2019 “OMNIBUS TRAFFIC CODE” ng ating Lungsod.
Nagkaroon din tayo ng palagiang salo-salo at pagpupulong kasama ang ating mga Kapitan ng ating Lungsod.
Tayo’y nagagalak sa maayos at makabuluhang araw na ito. Maraming salamat po.