PUBLIC HEARING RE: SANGGUNIANG PANLUNGSOD INTERNAL RULES OF PROCEDURES
Ngayong araw ay ginanap ang Public Hearing na tumatalakay sa "The Omnibus Rules of Procedure of the 12th Sangguniang Panglunsod of the City of Mandaluyong" na pinangunahan ng ating Konsehal Danny De Guzman bilang tagapangulo ng Komite ng Batas at Patakaran, kasama ang Majority Leader Coun. Anthony Suva at mga konsehal ng District 1 and 2.
Maraming Salamat po sa inyong suporta!
Isang karangalan na ating pangunahan ang Inaugural Session ng ating Sangguniang Panlungsod 12th Council kasama ang ating Majority Floor Leader, Councilor Anthony Suva at mga Konsehal.
Nagagalak din tayong makasama ang mga bagong kasapi ng Konseho na sina: Councilor Mariz Manalo (Dist. 1), Councilor Regie Antiojo (Dist. 2), at Councilor Leslie Cruz (Dist. 2), pati na rin ang mga nagbabalik sa Konseho na sina Councilor Anthony Suva (Dist. 1), Councilor Alex Sta. Maria (Dist. 2) at Councilor Mike Ocampo (Dist. 2).
Makaaasa naman ang ating Mayor Ben Abalos na tayo ay tutugon sa kanyang mga iminungkahing polisiya. Ang Sangguniang Panlungsod ay magtutulungang makabuo at makapasa ng mga resolusyon/ordinansa para sa kabutihan ng ating mga mamamayan.
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagbubukas ng 12th Council ng ating lungsod.