Pinangunahan po natin bilang Tagapangulo ng Komite ng Teknolohiya ang pagpupulong kasama ang MERALCO-Mandaluyong Branch sa pangunguna ni Engr. Lawrence Abueg kung saan tinalakay ang kanilang mga programa at proyekto sa ating Lungsod.
Nakasama natin sa nasabing pagpupulong ang ating mga kasamahan sa Konseho gayundin ang City Planning Development Department at City Engineering Department.
Amin din pong naipahatid sa pamunuan ng MERALCO ang ilang concerns ng ating mga kababayang Mandaleños.
Maraming Salamat po!