9th Regular Session ng 12th City Council
Pinangunahan po natin sa ginanap na ika-9 na Regular Session ang pagsulong ng
???????????????????? ???????????????????????????????????????? ????????. ???????????????? - Ito po ay may kinalaman sa ibinibigay na dalawang (2) unit ng sasakyan partikular ang “E-JEEPNEYS” mula sa Star 8 Green Technology Corporation na para sa ating mga empleyado. Ang dalawang E-Jeepneys ay naging sasakyan sa paghahatid sa ating mga kawani at ito ay libre lamang. Napakalaking tulong nito sa ating mga kawani na maihatid sila sa kanilang destinasyon nang ligtas.
PUBLIC HEARING - KAHILINGAN NG CENTURY LIMITLESS CORP. PARA SA DEVELOPMENT/SUBDIVISION PERMIT
Pinangunahan po natin bilang Tagapangulo ng Komite ng Pagpaplanong Panlungsod, Pagsosona at Pagpapaunlad sa Komunidad ang pagdinig noong Biyernes (Setyembre 2) tungkol sa Liham buhat sa Century Limitless Corp. patungkol sa kanilang aplikasyon para sa Development Permit/Subdivision Permit para sa kanilang gagawing proyekto sa Acqua.
Nakasama natin sa nasabing pagpupulong ang ating mga kasamahan sa Konseho gayundin ang mga kinatawan buhat sa Century Limitless Corp.,City Planning Development Department, Engineering Department at Legal Department.
Maraming Salamat po!
Maraming salamat po sa ating mga kasamahan sa Ikalabindalawang Konseho, sa pamumuno ng ating Vice Mayor Carmelita "Menchie" Abalos, dahil po sa isang produktibong Sesyon ngayong ika-23 ng Agosto 2022.
Kayo po ay makakaasa na ang ating Konseho ay ay magsasagawa at bubuo ng mga polisiyang magsusulong ng karapatan at kapakanan ng ating mga mahal na mamamayan ng Mandaluyong.