Dumalo po ang inyong lingkod sa ika-77th regular na sesyon na ginanap sa bulwagan ng Sangguniang Panglungsod kung saan ating tinalakay ang pagbibigay tulong Pinansyal para sa ating mga ka-lungsod na naapektuhan ng sunog. Gayundin ang paglilipat ng badyet ng Covid-19 Emergency Responses para sa Phase 2 ng pagpapagawa ng Mandaluyong Colosseum and Civic Complex.
Maraming Salamat po!
5th Special Session | 03 May 2023
Isa pong produktibong espesyal na sesyon ang ating isinagawa ngayon kasama ang mga miyembro ng Ikalabindalawang Konseho sa pamumuno ng ating butihing Vice Mayor Carmelita "Menchie" Abalos.
Ako rin ay nagagalak na makasama ang ilan sa mga estudyanteng nagsasagawa ng kanilang Work Immersion sa ating City Hall. Sana ay mayroon kayong natutunan sa proseso ng paggawa ng ating mga polisiya sa Lungsod ng Mandaluyong.
Maraming salamat sa inyong lahat!
April 12, 2023 10:00am | Public Hearing
Tayo po ay nagsagawa ng Pampublikong Pagdinig sa pangunguna po ng inyong lingkod bilang Lider ng Komite ng Kapayapaan at Kaayusan, Pampublikong Kaligtasan, Pag-iingat sa Sunog at Pinagbabawal na Gamot. Ating tinalakay ang Draft Ordinance No. 1441 "An Ordinance Institutionalizing Oplan Lingap as the Treatment and Rehabilitation Program for Person Who Use Drugs (PWUDs) of the City of Mandaluyong."
Maraming salamat po!