Public Hearing on Request for Waiver of Fees | 02 March 2023
Ngayong araw, atin pong dininig ang sitwasyon ng isa nating negosyante patungkol sa kanilang hiling na ipaubaya na ang mga business fees na sinisingil sa kanilang negosyo. Ayon sa kanilang mga papeles, ang kanilang negosyo ay nag-operate lamang ng anim na buwan sa taong 2012, ngunit ang mga fees na sinisingil sa kanila ay sumasaklaw mula 2013 hanggang 2022.
Bilang pinuno ng Komite ng Mga Kaparaanan, o Ways and Means, atin pong maiging pinag-aralan ang nasabing sitwasyon at inimbita ang ating mga department heads upang mabigyang linaw sa nasabing senaryo. Ang pagdinig na ito ay nagresulta sa pagbibigay klaripikasyon sa ating mga batas at proseso patungkol sa pagretiro, assessment, at pangongolekta ng buwis sa mga negosyo.
Nagbigay perspektibo din ang sitwasyon na ito upang mapag-isipan ng mga miyembro ng Konseho at department heads ang mga kaparaanan at hakbang na maaaring gawin ng ating lokal na pamahalaan upang alalayan ang ating mga kababayan na nagnanais mag-negosyo.
Maraming salamat po sa mga lumahok sa pagdinig na ito. Ang hiling ko ay sana ang ating mahuhusay na diskusyon ay magbunga ng makabuluhang mga polisiya at programa na makakatulong pa sa ating mga negosyanteng kababayan.
PUBLIC HEARING - CREMATION AND OTHER BURIAL SEVICES FEES
Public Hearing with Garden of Life Memorial Park | 02 March 2023
Dininig natin ngayong araw ang dalawang polisiyang inihain ng Garden of Life Memorial Park na may layuning i-lift ang suspensyon ng koleksyon ng mga cremation at burial fees, at ibalik ang pag-impose ng mga naunang rates bago isinigawa ang nasabing suspensyon.
Bilang Chairman ng Komite ng Mga Kaparaanan, atin pong sinaliksik at pinag-aralan ang mga nilalaman ng mga polisiyang ito. Ang mga mas kumprehensibong layunin ng kanilang polisiya ay upang mabigyan ng pagkakataon ang ating lokal na pamahalaan na maka-recover mula sa pinansyal na pinsala ng pandemya, at upang mapanatili ng Garden of Life Memorial Park ang kanilang kalidad na serbisyo sa ating mga mamamayan.
Kasama ang ating iba pang Konsehal at mga department heads, ang diskusyon sa pagdinig ay nagbigay-linaw sa mga proseso at operasyon ng Garden of Life Memorial Park. Ang mga talakayan din ay nagbigay ng mga mainam na ideya mula sa mga Konsehal at department heads patungkol sa mga posibilidad na mas gawin pang pabor ang mga rates at fees para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat sa mga lumahok sa pagdinig na ito. Makakaasa po ang ating mga kababayan na gagawin ng ating Konseho ang kanilang makakaya upang makapagpasa ng mga polisiyang lubos na mapapakinabangan ng ating mga kababayan!