Hearings and Sessions | Sangguniang Panlungsod
Legislative Sessions and Hearings

City Council Sessions and Public Hearings

STAY INFORMED ABOUT THE LATEST PUBLIC HEARINGS AND LEGISLATIVE ACTIVITIES

Homepage Back
March 02, 2023 / 13:00:00
SESSION HALL

PUBLIC HEARING - CREMATION AND OTHER BURIAL SEVICES FEES

Public Hearing with Garden of Life Memorial Park | 02 March 2023

Dininig natin ngayong araw ang dalawang polisiyang inihain ng Garden of Life Memorial Park na may layuning i-lift ang suspensyon ng koleksyon ng mga cremation at burial fees, at ibalik ang pag-impose ng mga naunang rates bago isinigawa ang nasabing suspensyon.

Bilang Chairman ng Komite ng Mga Kaparaanan, atin pong sinaliksik at pinag-aralan ang mga nilalaman ng mga polisiyang ito. Ang mga mas kumprehensibong layunin ng kanilang polisiya ay upang mabigyan ng pagkakataon ang ating lokal na pamahalaan na maka-recover mula sa pinansyal na pinsala ng pandemya, at upang mapanatili ng Garden of Life Memorial Park ang kanilang kalidad na serbisyo sa ating mga mamamayan.

Kasama ang ating iba pang Konsehal at mga department heads, ang diskusyon sa pagdinig ay nagbigay-linaw sa mga proseso at operasyon ng Garden of Life Memorial Park. Ang mga talakayan din ay nagbigay ng mga mainam na ideya mula sa mga Konsehal at department heads patungkol sa mga posibilidad na mas gawin pang pabor ang mga rates at fees para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa mga lumahok sa pagdinig na ito. Makakaasa po ang ating mga kababayan na gagawin ng ating Konseho ang kanilang makakaya upang makapagpasa ng mga polisiyang lubos na mapapakinabangan ng ating mga kababayan!
Read More
Time: 13:00:00
Venue: SESSION HALL
February 27, 2023 / 10:00:00
SESSION HALL

REGULAR SESSION FEBRUARY 27, 2023 (12TH COUNCIL)

Regular na Sesyon sa Bulwagan ng Kapulungan ng ating Konseho.

Maraming Salamat po Ka-Mandaleños!
Time: 10:00:00
Venue: SESSION HALL
February 20, 2023 / 10:00:00
SESSION HALL

REGULAR SESSION FEBRUARY 20, 2023 (12TH COUNCIL)

Sa ginanap na ika-30 Regular Sesyon ng Sangguniang Panlungsod na pinamunuan ni Presiding Officer Vice Mayor Menchie Abalos, inihayag po natin sa pribilehiyong pagpapahayag ang ating naoobserbahan tungkol sa mga illegal at anti-obstruction parking sa ilang daanan sa ating Lungsod. Atin pong iminumungkahi na lumiham sa TPMO at Barangay Captains upang agarang maisagawa at maipatupad ang mga clearing operation at maayos na pagpapatupad ng ating Traffic Code.
Maraming Salamat po.
Read More
Time: 10:00:00
Venue: SESSION HALL
February 20, 2023 / 14:00:00
SESSION HALL

PUBLIC HEARING - CONTRACT OF AFFILIATION WITH FIVE UNIVERSITIES/COLLEGES

Pinangunahan po natin bilang Tagapangulo ng Komite ng Edukasyon, Sining at Kultura ang pagdinig hinggil sa Resolution para sa Contract of Affiliation para sa walong ( 8 ) Universities/Colleges, Nursing and other Medical Institutions para sa kanilang conduct of training ng mga students ng Medicine, Nursing, Medical Technology, Radiologic Technology, Midwifery at Physical Theraphy sa ating Mandaluyong City Medical Center (MCMC).
Ang mga sumusunod na pamantasan ay ang Jose Rizal University, New Era University, Our Lady of Guadalupe College Inc., Philippine College of Health and Sciences, Philippine Women's University, Mary Chiles College, Manila Adventist College at Mapua University.
Maraming Salamat po!
Read More
Time: 14:00:00
Venue: SESSION HALL
Click Me!
Please be gentle, I'm ticklish!